
Mabuhay mga Kaibigan at Kapamilya!
Malugod po naming pinaaalam ang opisyal na partnership ng Franada Enterprises, Inc. (FEI) at Shield of Victory Tanza (SOV).
Sa FEI, mahalaga sa amin ang pagtulong sa komunidad. Lalo na po naming layunin ang mabigyan ng pantay na oportunidad ang mga estudyanteng nangangailangan, at matulungan sila sa kanilang pag-aaral, personal na buhay, career, at spiritual growth.
Sa pamamagitan ng partnership na ito, inaasahan naming makipagtulungan sa SOV, Tanza upang makapaghatid ng mga programa at tulong na direktang makikinabang ang mga estudyante at pamilya na higit na nangangailangan.
Malaki po ang respeto namin sa dedikasyon ng inyong mga church leaders, guro, at staff. Naniniwala kami na ang pagtutulungan ng simbahan at pribadong sektor ay makakatulong upang mas mapabuti ang kinabukasan ng mga estudyante at komunidad.
Sama-sama po nating gagawin ang pagbabago, isa-isang estudyante.
Lubos na gumagalang,
Management Team
Franada Enterprises, Inc.